|
Minsan, okey lang din naman pala kapag badtrip ka. Dami mong naiisip. Para kang isang totoong pilosopo. Malayo ang tinatanaw. Matayog ang lipad ng isip. Samu't saring imahe. Halo-halong ideya. Gustuhin ko mang palaging nag-iisip at umiwas sa katotohanan, di ko kayang palaging nabadbadtrip. Masakit din. Di ko kaya ang tensyon. Yung parang laging naginginig. Sa galit. Sa poot. Na halos matuyo ang dugong nagpupumiglas sa iyong mga mga ugat. Nais ko rin sanang mamaalam na lang ng tuluyan. Marahil sa kabilang dimensyon ay mapayapa ang isip. Malayang makapaglayag saan man naisin.
|
| Leave a Comment: |