|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Alay sa Kawalan Wala akong ikukuwento sa araw na ito. Hindi dahil sa wala akong maikwento kundi dahil sa sobrang dami na ng mga nangyari at baka hindi ko maikwento ang iba. Naku, ayokong sila'y magmaktol. Ngayon ko lang nagpagtanto ang ibig sabihin ng mga emosyong may iba't ibang hugis, kulay, at lasa na pinaghalo-halo na tila toppings ng isang klase ng pizza. Mahirap mang intindihin ang pakiramdam na yun, ang totoo, iisang emosyon lang pala ang pinapahiwatig nun: pangungulila. Hindi ko lang alam kung ano o kung sino ang principal axis ng pangungulilang iyon. Isang bagay ang sigurado, indikasyon yun na may kulang. May nawawala. Katulad ngayon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon kung tutuusin. Naibibigay ko na sa pamilya ko ang noo'y hinahangad lang namin. Nagagawa ko na ang mga bagay na dati'y gusto ko lang gawin. Ngunit hindi ko masasabing wala na akong hihilingin pa. Inaamin ko, marami pa rin pala akong frustrations. Ngayon ko lang nabalikan ang mga alaalang pilit kong ibinaon sa limot o sadyang nilimot na ng panahon. Kung bakit ko sila naalala ngayon? Marahil ngayon lang ako nagkaroon ng sapat na tapang na harapin silang muli. At ngayon, ang ideyang ako'y nangungulila ay tila multong naghahatid ng ibayong nginig sa aking pagkatao. Ngunit napapanahon nang ito'y aking harapin. Kung ikaw man ang kulang sa buhay ko, kailan pa kaya kita masusumpungan? Kung dati ka nang bahagi ng buhay ko, kailan mo ako babalikan? Posted at 10:11 pm by aclworld
|