|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Pamaskong Puno Malabo na sa alaala ko ang mga nagdaang paskong mayroon kaming Christmas tree sa bahay. Pero, at least, naaalala kong nagkaroon din kami noon. Hindi naman siguro basahen ang pagkakaroon ng Christmas Tree sa kaligahayan ng isang tahanan. Marahil, karangyaan nga lang ito. Ang totoo, para sa iba, ang laki ng Christmas Tree and sukatan ng yaman. Lumaki kasi ako sa paniniwalang kapag may Christmas Tree, mayaman. Noon, may Christamas Tree kami pero hindi ibig sabihin mayaman kami dati. Naku, pawid nga lang ang bubong ng bahay namin noon, eh. Ang isa sa mga ate ko kasi ang naghahanda nun dati. Pero umpisa noong nawala na siya sa bahay namin, di na rin kami nagdi-display ng Christmas Tree. Naging normal na na wala kaming Christmas Tree tuwing pasko. May mga taon ding napakasimple lang ng aming Noche Buena. Minsan nga, nakikisalo lang kami sa mga kapatid kong may pamilya na. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi masaya ang mga paskong iyon. Dumaan din kami sa matinding hirap, lalo na nitong mga nakaraang buwan. Nagipit kami sa pera, naging magulo ang aming tahanan, namatay ang Tatay ko. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nabubuhay pa rin kami ng masaya kapiling ang pamilya. Noong nakaraang linggo, naisipan kong bumili ng Christmas Tree, yung maliit lang. Para sa akin, simbolo iyon ng pasasalamat sa mga biyayang ibinigay sa amin ng Diyos sa loob ng maraming taon. Kahit simpleng bagay lang ito, alam ko, kaligayahan ang hatid nito sa buong pamilya ko. Posted at 10:54 pm by aclworld
|