|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
badtrip Minsan, okey lang din naman pala kapag badtrip ka. Dami mong naiisip. Para kang isang totoong pilosopo. Malayo ang tinatanaw. Matayog ang lipad ng isip. Samu't saring imahe. Halo-halong ideya. Gustuhin ko mang palaging nag-iisip at umiwas sa katotohanan, di ko kayang palaging nabadbadtrip. Masakit din. Di ko kaya ang tensyon. Yung parang laging naginginig. Sa galit. Sa poot. Na halos matuyo ang dugong nagpupumiglas sa iyong mga mga ugat. Nais ko rin sanang mamaalam na lang ng tuluyan. Marahil sa kabilang dimensyon ay mapayapa ang isip. Malayang makapaglayag saan man naisin.
Posted at 12:07 am by aclworld
|