|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
'Kala Ko Lang Pala Nung nasa kolehiyo pa lang ako, atat na atat na akong magtrabaho kaya di ko na masyadon sineryoso 'yung pag-aaral. Sa isip ko kasi nun, parang chicken na masyado 'yung ginagawa namin sa eskwela at pwede ko namang matutunan yung mga 'yun kapag nasa workplace na ako. Ewan ko ba sa mga eskwelahan. Daming itinuturo, irrelevant naman. Nung gumradweyt na ako, 'kala ko magiging okey na ang buhay, mabibili ko na lahat ng gusto ko, magagawa ko na lahat ng gusto ko, mapupuntahan ko na lahat ng lugar na gustuhin ko. Ngayong nagtatrabaho na ako, na-realize ko, hindi pala ganun kadali ang lahat. Kailangan talaga ng sipag at tiyaga, galing at talino, at tibay ng loob. Haha. Pero totoo 'yun. Pwede kayang mag-aral na lang ako ulit? Posted at 12:20 am by aclworld
|