|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Si Merry Rose Nakakatuwa yung minsang nagkikita-kita kayo ng mga ka-klase mo sa elementarya. Magkukumustahan. Magtatawanan. At magbibilangan kung anu-ano ang mga nagbago--sa pananamit, pananalita, pag-uugali, at kung anu-ano pa. Pero minsan nakakabalisa rin ang mga pagkikitang ito. Katulad nung minsang magkabungguan kami ni Merry Rose sa isang mall. Kaklase ko siya sa elementarya. Nakakapareha ko siya dati sa Folk Dance. Magaling siyang sumayaw. At lagi akong nako-conscious bilang partner niya kasi siya ang laging tinitingnan. Kaya kung di ko memoryado ang mga dancestep. Patay. Kita talaga. Si Merry Rose yung tipong nagpapaniwala sa mga kwento-kwento kagaya ng mga kwento tungkol sa aswang ang kung anu-ano pa. Kaya laging nakapaikot sa kanya ang mga ka-klase namin para makinig sa kung ano na namang adventure ang narinig niya. Mahirap lang din ang pamilya ni Merry Rose. Nakatira sila dati malapit sa isang natuyong sapa. Kapag umuulan ng malakas, naaabot ng tubig-baha ang bahay nila. Kaya umaabsent siya. Minsan, naikwento rin niya na sa natuyong sapang iyon ay may nakita siyang batang kapapanganak lamang at isinilid sa sako. Isinama pa nga niya kami sa punerarya nung inilagak na doon ang bangkay ng bata. Nakakapangilabot. Magkaiba na kami ng pinasukang paaralan nung hayskul. Kaya wla na akong masyadong naririning tungkol sa kanya. Nakita ko lang siya minsan sa isang dancesport competition. Pagkatpos noon. Wala na. Hanggang makatapos ako sa kolehiyo di ko na siya nakita pa. Habang naglilibot ako sa isang mall kamakailan lang, nakasalubong siya. Nakilala ko pa rin siya kahit ibang-iba na ang itsura niya. Malayong-malayo sa inaasahan ko. Tumaba siya. Magulo ang buhok. Kulang na rin ng isa ang ngipin niya sa itaas. "Hi, Merry Rose!" Bati ko sa kanya. Isang hilaw na ngiti naman ang ganti niya. "Kumusta?" Ipinagpatuloy ko. Iniharap niya sa akin ang batang kalong-kalong niya sabay sabing, "Eto, may tropeo na." Masakit para sa akin ang makita ang isang taong kino-comfort ang sarili. Halos maluha rin ako habang nakikitang siyang pinipilit ang pag-ngiti. Ibinaling ko ang atensyon sa bata. "Saan si Papa, baby?" "Nalunod sa sabaw," si Merry Rose ang sumagot. Hindi naman kawawa ang tingin ko sa kanya. Hindi rin mataas ang tingin ko sa sarili. Pero wala akong magagawa kung mababa talaga ang tingin niya sa sarili. Napaka-awkward talaga ng sitwasyong iyon. Nangumusta rin siya tungkol sa akin pero di na ako nagsalita pa ng matagal. Sabi ko lang, "Kakagradweyt ko lang." Maya-maya pa, nagpaalam na kami sa isa't isa. Posted at 06:54 pm by aclworld
|