Magpahayag

magkwento ka, kahit ano lang...
   


Get this widget!





Ipagpatuloy ang paglalakad


Ang batang kalye

May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil.

Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita.

Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon.

Tama na nga ang satsat.

Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap.


Iba ko pang Blogs
Home
The Journeyman
Musika Central
Digital Detours
Poetic Attempts




If you want to be updated on this weblog Enter your email here:














 
Saturday, May 10, 2008
Nabibili ba ang kaibigan?
Marahil ay wala nang mas nakakaawa pa sa isang taong kailangan pang bumili ng kaibigan para maging masaya.

Utang na loob yata ang tawag dun.

Panu kung may tinulungan kang tao...tapos ang taong ito ay naging kaibigan mo matapos mo siyang tulungan. Pareho kayong naging masay sa nangyari kasi kapwa napunuan ang pangangailangan ninyo. Siya, nagkaroon nung isang bagay na hinihilinh niya. At ikaw, nagkaroon ka ng kaibigan.

Nung ikaw naman ang nangailangan, handa naman siyang tumulong. Pero parang noobliga lang siya na suklian yung minsang ginawa mo para sa kanya.

So, parang ang nagyari...ang kaibigan mong 'yun ay parang binili mo pero hindi naman talaga naging iyo. Naging masaya ka lang for a while. Pero hinid ka talaga naging masaya.

Ang conclusion, hindi ka pwedeng bumili ng kaibigan.
Posted at 01:01 am by aclworld

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry