|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Krisis Nakakalungkot ang mga pangyayaring nagaganap ngayon sa Pilipinas. Bida sa balita ngayon ang krisis sa bigas. Pilit mang itanggi ng mga nanunungkulan sa gobyerno ngayon na wala pang krisis, damang-dama ng mga maliliit na Pilipinong tuld ko ang bigat na dala ng sitwasyong ito. Mantakin mo, umabot na sa halos trenta pesos ang dating dalawampung piso kada kilong bigas! Kaya todo-todo ang ginagawa naming pagtitipid ng kanin sa bahay. Maganda na rin 'yung nagtitipid kami kasi iwas-diabetes pa kami at iwas-obesity. Ang iba nating kababayan na halos wala nang pambili ng bigas noong medyo mura ang bigas, may nakakain pa kaya? Anong klaseng gobyerno na meron tayon ngayon? Ito na ba ang epekto ng fertilizer fund scam? ng rice cartel?Mga leche kayong lahat! Hindi man lang ba ito na nakita ng mga eksperto at nagawan ng paraan bago pa lumala ng ganito? Punung-puno na ang taong-bayan! Ang kakainin dapat ng mamamayan ang inuuna ng pamahalaan at hindi ang lecheng National Broadband Network na 'yan! We can have that in the right time! Hindi marahil nalalaman ng gobyerno ang maaaring gawin ng taong kumakalam ang sikmura. Ah, hindi nga nila malalaman sapagkat ni minsan marahil ay di naranasan ng mga tiyan nilang kumalam sa kapal ba naman ng mga perang papel sa bulsa nila! Nakakainis...nakakainis na ang gobyerno ng Pilipinas! Kumakayod din kami ng todo dito sa aming propesyon subalit ang ibang nandiyan na sa itaas ay nagbubulag-bulagan sa pangangailangan ng mga tao. Posted at 11:35 pm by aclworld
|