|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Gloria, Resign! Hindi man ako makadalo sa Makati, nananawagan ako sa pagbaba ng Pangulo sa puwesto. Una, hindi naman talaga siya ang dapat na nakaupo ngayon. Naniniwala akong mayroong pandarayang naganap noong nakaraang eleksyon. Ikalawa, napakarami nang isyung kung hindi inisnab ng Pangulo ay pinagtakapan niya. Hindi sa lahat ng panahon ay maaari niyang bola-bolahin ang mamamayang Pilipino na gumaganda ang ekonomiya ng bansa. Kailangan niya ring bigyang kasagutan ang mga isyung binabato sa kanya ang patunayang walang siyang kinalaman dito kung sakaling wala nga. Sa ginagawa ng kanyang panig na pagtatakip sa katotohanan at pananakot sa mga naninindigang tumestigo at kumalaban sa kanya. Ikatlo, hindi maganda impluwensiya sa mga kabataang ang isang gobyernong tadtad ng mga isyung kurapsyon. Kung mananahimik lamang tayo at hayaan lang silang ipagpatuloy ang kanilang mga ginagawa, magpapatuloy din at maaari pang lumala ang kurapsyon. Simula noong bata pa ako hindi na lingid sa akin na laganap sa ating gobyerno ang pangungurakot. Gusto ko para sa mga magiging anak ko na imulat sila sa isang sistemang malinis at matuwid. Patuloy akong susuporta sa mga pagkilos upang maibaba sa pwesto ang mga mananamantala hanggang sa magkaroon tayo ng klase ng gobyernong matagal na nating inaasam. *Ang Gloria, RESIGN picture ay galing sa Pedestrian Observer Group Blog. Posted at 08:04 pm by aclworld
|