Magpahayag

magkwento ka, kahit ano lang...
   


Get this widget!





Ipagpatuloy ang paglalakad


Ang batang kalye

May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil.

Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita.

Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon.

Tama na nga ang satsat.

Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap.


Iba ko pang Blogs
Home
The Journeyman
Musika Central
Digital Detours
Poetic Attempts



Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed










 
Monday, February 25, 2008
sabi ng pangulo

“Ako ang Pangulo ng Pilipinas…wala nang iba.”

Iyan ang mga pahayag ng Pangulo sa kanyang pananalita sa isang okasyon. Ito ba’y senyales ng desperasyon, isang pilit na paninindigang nasa kanya pa ang tiwala at suporta ng mamamayan kung kelan hayag na sa lahat na wala nang tanging yaong pinapakain niya na laman ang naniniwala sa kanya?

“Nang nalaman kong may anomalya sa kontra, agad kong kinansela ang pagpapatupad nito. Agad ko itong pina-imbestigahan.”

Madam, nasaan po ang ebidensya na pinakansela niyo agad ang kontrata? Ang alam po ng lahat ay napilitan lang po kayong ipakansela ito nang pumutok na ang isyu sa pamamagitan ng midya? Nasaan po ang resulta ng imbestigasyong inyong isinagawa? Baka po iyan ang tsismis.

At ang mga salitang iyan ba ay nangangahulugang inamin na mismo ng pangulo na may anomalya ngang nangyayari? Bakit noong una ay pilit nilang itinago ito? Para ba kung makalusot, eh, tiba-tiba ang mga buwayang sangkot? Magpamiyembro na kayong lahat sa Wack-Wack at gastahin ang pera ng gobyerno para makapag-golf kayo at makatikim ng burjer espesyal doon.

“Ang totoong paglilitis ay hindi sa senado…hindi sa tsismis, kundi sa ebidensya May tamang korte para sa paglilitis.”

May mga korte nga ang Pilipinas, wala namang hustisya. Malakas lang po ang loob ang gobyerno na hamunin ang kumikwestyon sa mga kalakaran sa gobyerno dahil marunong po kayong magligpit ng ebidensya at magbaluktot ng katotohanan. Mayroon po kayong pera, pwersa, a makinarya para maniobrahin ang paglilitis na ipinagmamalaki ninyo.

“Hangga’t ako ang Pangulo, buwan-buwan, ibibigay ‘yan sa inyo”

Iyan naman ang pangako niya sa mga dumalo sa pagtitipong inihanda niya sa Cavite. Tiglilimang-daang piso para sa mga pamilyang mahihirap doon. Dole out? Ito ba ang sagot ng Pangulo sa problema sa kahirapan? At sinu-sino lang ang makakatanggap? Ang mga taga-suporta niya? Iyon lang basta tatango sa kung ano man ang dikta ng pamahalaan?
Sabi lang ‘yan ng Pangulo. Wala naming halaga ang mga iyan dahil sa totoong demokrasya nasa ating mga maliliit na nakararami ang kapangyarihan.

Maligayang paggunita po sa Unang Rebolusyon sa EDSA.

P.S. Ang dami nang pagkakasala ng gobyernong ito sa mamamayang Pilipino; bumaba na sana sa pwesto ang mga nanunungkulan diyan na pagpapalaki lang tiyan at pagpapakapal ng bulsa ang inaatupag.

Posted at 10:16 pm by aclworld

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry