Magpahayag

magkwento ka, kahit ano lang...

email me: akosibatangkalye@gmail.com


Get this widget!





Ipagpatuloy ang paglalakad


Ang batang kalye

May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil.

Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita.

Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon.

Tama na nga ang satsat.

Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap.


Iba ko pang Blogs
Home
The Journeyman
Musika Central
Digital Detours
Poetic Attempts



Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed











 
Thursday, February 21, 2008
ayoko na ng baboy

Paulit-ulit kong pinapatugtog ang kanta ng Radioactive Sago Project na may kaparehong pamagat ng post na ito. Pakiramdam ko kasi bagay sa mga nangyayaring kababuyan ngayon sa gobyerno natin.

Ito ang kontrobersyal na YouTube video ng wiretapped conversation nina Lozada at Joey de Venecia. Lalo pa nitong pinagulo ang dati nang magulong imbestigasyon tungkol sa ZTE Broadband Deal.

Ang pinakanagpapagulo sa lahat ay ang waring pagiging sobrang magaling (siguro, mas tama ang nagmamagaling) na ng ating mga lider. Yung mga opisyales natin ngayon kanya-kanya na ring gimik. Ang ibang grupo, wala naman talaga sa lugar, nakikigulo lang. Ang iba ang daming opinyon kulang naman sa pag-aaral. Lalo lang tuloy gumugulo.

Ayoko na ng baboy. Sawa na ako sa baboy...

Posted at 08:48 pm by aclworld

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry