|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
ang kuya kong pasaway Bagong Taon, Bagong Buhay. Kay sarap pakinggan ng mga katagang ito. Subalit and wikaing ito ay walang kahulugan sa isan kong kuya. Kasi naman, tatlong bagong taon ding puro problema ang dala niya sa pamilya namin. May naisip nga akong oxymoron sa Ingles upang ilarawan ang kanyang naging ugali, consistently erratic. Noong January 2006, nagdala siya ng babae sa bahay. At hindi lang basta pasyal ang ginawa nila. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Eto ang ebidensya. Noong January 2007 naman, pag-uwi ko sa bahay bitbit-bitbit ang mga pinamili ko para sa tindahan namin, nadatnan ko na lang ang refrigerator namin na may dimples na. Yun pala, sinuntok niya dahil nag-away sila ng ate ko. Nitong bagong taon naman, lasing siyang pumasok sa bahay at habang tulog ako'y nakipag-agawan pala ang nanay ko sa kanya ng baril. May kaaway raw kasi siya at gustong gantihan. Pagkatapos nun ay tatakas daw siya papunta sa kamag-anak namin sa ibang lugar. Di na ako sumali sa gulo lalo na nang marinig ko ang isyu na walang nagmamahal sa kanya sa bahay namin. Feeling niya kasi blacksheep siya. Next year kaya, ano na naman? Posted at 09:46 pm by aclworld
|
|||||||||||||||||||||