|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
wala ka kwenta Huwag n'yo po sana akong husgahan matapos basahin ang pamagat ng sulating ito. Hayaan n'yo pong himay-himayin ko ang bawat salitang bumubuo sa pahayag na "wala ka kwenta." Ang salitang wala ay maaring ituring na isang pang-abay na pananggi o isang salitang pangkaroon na ginagamit sa mga pariralang eksistensiyal. Ang salitang ka naman ay isang panghalip na nasa ikalawang panauhan. Samantalang ang salitang kwenta naman ay isang pangngalan na kasingkahulugan ng mga salitang halaga, o bilang, at katumbas ng salitang value sa Ingles. Kung pagsasamahin ang mga salitang "wala, " "ka," at "kwenta," makakabuo ka ng isang pahayag na hindi nararapat binibigkas ng mga taong may pinag-aralan or ng mga taong tunay na nakakaunawa sa halaga ng bawat tao. Naku po, hindi ako nagalit nang makita ko ang pahayag na iyan sa tagboard na makikita sa kaliwang bahagi ng blog na ito. Sa halip, napaisip ako. Isa akong advokeyt ng kalayaan sa pamamahayag kaya itinuturing ko ang mga bagay na tulad niyon bilang pagmamalas lamang ng kalayaan ng bawat isa na ipahayag ang kanilang mga saloobin at katwiran, maging ang mga ito ma'y bunga ng malalimang pag-iisip, malawakang pagsasaliksik, o simpleng sambitla lamang. Sa aking karanasan, hindi lang miminsan akong nakatagpo ng mga taong hindi ginagamit sa tama ang kalayaang ito. Kung kailan binigyan ng pagkakataon ipahayag ang damadamin, noon din nagsasalita ng walang kabuluhan. Hindi po ako maaaring sumang-ayon sa nais iparating ng taong tinatawag ang kanyang sarili na iyot (salitang cebuano para sa pagtatalik). Kung ako (malamang) man po ang tinutukoy niya na walang kwenta, hindi ko iyon maaaring tanggapin. Narito po ang aking mga argumento: Sa siyentipikong pananaw, ang katawan ng tao ay binubuo ng mga selula (cells). Ang cells ay binubuo rin ng mga mineral at kemikal na mayroong market value. Ayon sa pag-aaral ang katawan ng tao ay may halagang 45 milyon dolyares kung ibebenta ng bone marrow at mga organ nito. Sa humanistikong pananaw ni Montaigne, ang bawat tao, maging siya man ay ordinaryo lamang ay makagagawa ng maraming posibildad at may kakayahang magkamit ng mga bagay na nasa mataas na antas. Sa kasong ito, hindi pa batid nitong taong nagiwan ng kumento sa tagboard na ito ay aking mga nagawa, ginagawa, at maaari pang magawa. Samakatuwid, ang kanyang pahayg ay walang basehan at siya ay wala sa katayuan upang ikulong sa tatlong salita ang aking pagkatao. At higit sa lahat, bilang mga Kristiyano, pinaniniwalaan natin na ang bawat isa ay mahalaga sa mata ng Diyos. Bawat tao ay may dignidad na hindi maaaring kunin sa kanya ninuman. At ang dignidad na ito ay dahil ang tao ay nilalang na kawangis ng Diyos (Genesis 9:6). Hindi ko rin hinuhusgahan ang taong nagsabi ng pahayag na iyon. Sa halip ako ay nagpapasalamat dahil lubos ko pang naunawaan ang kahalagahan ng bawat tao. Sana kayo na pinagtiisang basahin ang sulating ito ay nakapulot din kahit papaano ng kaunting aral. Ang paghuhusga sa kapwa or prejudice ay hindi isang mabuting pag-uugali. Iwasan po natin ito at tayong lahat ay magiging mapayapa at maligaya. Maligayang Pasko mula sa Batang Kalye! Posted at 11:15 pm by aclworld
|