|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
Paulit-ulit If you do not learn from history you are bound to repeat it. Iyan ay isang sikat na kawikaan tungkol sa katangahan at pagtatanga-tangahan...at ito ay muli na namang isasabuhay ng mga Pilipino. Noong ika-23 ng Setyembre 1972, itinaas ng diktador na si Marcos ang isang curfew or ang pagbabawal sa sinumang may balak gumala sa gabi. Ipinasara niya mga tanggapan ng midya at ipinahuli ang mga kalaban sa pulitika. Ngayon, ika-29 ng Nobyembre 2007, itinaas ng gobyerno ni Gloria ang isang curfew matapos pasabugan ng tear gas at ipahuli ang ilang militar na naglunsad ng isang stand-off, at ilang mamamahayag na nakaantabay sa mga pangyayari. Noong ika-23 ng Hulyo 2003, minsan na ring nagpakita ng di-pag-sang-ayon sa pamamalakad ng gobyerno ang grupong Magdalo sa pangunguna ni dating Navy Ltsg. (ngayon ay Senador) Antonio Trillanes sa pamamagitan ng Oakwood Mutiny. Ang pangalan ng grupong Magdalo ay hango sa isang paksyon ng Katipunan noong kapanahunan nina Aguinaldo at Bonifacio (na ang kamatayan ay ipagdiriwang bukas). Paulit-ulit. Sa aking palagay, may natutunan ang mga pulitiko ngayon mula sa nakaraan--natutunan nilang mas gusto ng Pinoy ng mga karanasang nauulit; It's sweeter the second time around, ika nga. Posted at 11:16 pm by aclworld
|
||||||||||||||||||||||||||||