|
|
Ipagpatuloy ang paglalakad Ang batang kalye May konting mali dun sa pangalan ng blog ko. Una, hindi naman talaga ako bata. Ikalawa, hindi ako nakatira sa kalye. Mahilig lang talaga ako maglagalag kung gabi. Gusto ko ang maglakad-lakad at pagmasadan ang paggalaw ng syudad. Minsan din napipilitan akong maglakad kasi wala akong pamasahe. Kalaban ko lang sa aking paglalakad-lakad at pagmumuni-muni ay ang nagkalat na mga aso sa daan at ang ulan na minsan ay walang tigil. Tahimik lang akong tao. Pero, alam ko naman kung kelan dapat ako magsalita. Pero mas maigi, magsusulat na lang ako. Kasi kahit hindi naman binabasa ang mga sinusulat mo, hindi ka pagsasabihang baliw. Pero pag nagsasalita ka mag-isa, walang nakikinig sa'yo, daig mo pa ang asong ulol kung kutyain ng ibang tao. Hindi ako sanay sa salitang eksaherasyon. Tama na nga ang satsat. Nga pala, welcome sa mundo ko. Dito, libre ang mangarap. Iba ko pang Blogs Home The Journeyman Musika Central Digital Detours Poetic Attempts ![]() Pacquiao-Dela Hoya Fight Charisse Pempengco Chareese Pempengo Charice Pempengco |
kape sa tag-ulan Kunyari kasali ako sa isang promo ng isang coffee product sa radyo. Ikukuwento ko raw ang pinaka-memorable kong karanasan tungkol sa kape at tag-ulan. (Nangyari ipo ito sa totoong buhay.) Eto yun: Umuulan nang hapong iyon, mga sampung taon na ang nakalipas. Hawak ng tatay ko ang kapeng pumapawi sa pagod niya pag-uwi niya sa aming munting dampa galing sa bukid. Sa bawat paghigop niya ng mainit at kulay gintong-itim na likido, naaaninag ko ang pagliwanag ng kanyang mukha na parang ang bawat guhit ng katandaan sa kanyang noo ay isa-isang nabubura. Habang tuwang-tuwa ako sa pagmamasid sa tatay ko, ito namang aking kuya ay bigla na lamang sumulpot galing sa kung saan piningot ang aking ilong. Siyempre, bilang isang batang nagbibigay halaga sa hustisya, ginantihan ko siya ng suntok at sipa. Gumanti rin siya. Gumanti ulit ako ngunit sa pagkakataong ito, nakailag si kuya. Maliksi kasi siyang kumilos kaya bago pa siya abutin ng aking kamao ay narating na niya ang kinapupuwestuhan ng tatay ko at ipinanligo ang isang tasa ng mainit na kape. Dahil sa mainit na sensasyong dulot ng mainit na kape sa balat ni kuya ay napalundag-lundag siya at napasigaw. Noong hapon ding iyon, nakatanggap kami ng tigtatatlong hagupit ng sinturon. Pwede kayang isali ang kwentong ito? Hehe. Malay natin manalo pa ako ng pagkarami-raming supot ng kape. :) Posted at 04:42 pm by aclworld
|
||||||||||||||||||||||||||||